Mag-aral ka Para sa Magandang Trabaho?

Kapakipakinabang paba ang aral na ito mula sa ating mga magulang? Ito ang madalas na naririnig natin sa mga magulang na itinuturo sa kanilang mga anak. Pahintulutan nyo po akong mapag usapan ang bagay na ito. Maaaring ang mga masasabi ko ay tutulan ng marami pero ayos lang po. Respetuhin na lang natin ang isa’t-isa.

Nagsimula akong magtrabaho taong 1999 hanggang sa kasalukuyan, alam naman ng karamihan ng readers ko na matagal ang hinintay ko bago ako nakapag aral sa kolehiyo, wala kasi kaming pera. 17 years lang naman ang hinintay ko bago dumating ang pagkakataon. Masasabi kong blessed naman ako at kahit papano ay nakita kong nagimprove naman ang buhay namin, subalit may mga bagay na parang hindi tama. Alam naman ng readers ko na 4 na taon ako nagtrabaho sa call center at high school graduate ako noon at kumikita ng 20k isang buwan. Tatlong beses ako nag apply sa mas mataas na posisyon pero dahil hindi mataas ang educational background natin ay hindi tayo napopromote kahit pa gusto ng mismong client natin na tayo ang maging team leader pero sa screening ay hindi tayo nag ququalify, dahil nga sa bagay na ito ay nagdesisyon akong mag-aral at sa Habag ng Panginoon ay nakagraduate naman taong 2019 kinuha ko ang kursong edukasyon dahil alam ko naman sa sarili ko nung bata pa ako na talaga ang gusto ko at alam kong ito ang calling ko, at dahil nagsimula ulit tayo ng bagong karera, panibagong hamon na makapasok ka sa public school para tumaas ang sahod mo. Una kailangan mo muna makapasa sa board exam na sa Awa din ng Diyos ay ipinagkaloob agad sa akin sa unang take pasado agad. Iyan kasi ang unang requirement para makakuha ka ng chance makapagturo sa public na may mas mataas na sahod at mas magandang benepisyo. Dalawang taon ako nagturo sa private school pansamantala dahil mainam din talaga na may karanasan ka, subalit kapag bakasyon gaya ngayon tapos na ang academic year namin ay wala kaming sahod. 2 months yun na walang papasok na pera kung hindi ka gagawa ng paraan, mababa lang din ang sahod sa private school. May mali sa aspeto na high school graduate ako pero ang sahod ko ay 20k per month, pero nung college graduate na ako ay wala pang 10k per month ang sahod ko, eh kaya nga ako nag-aral para mas mataas ang potensyal ko kumita ng mas malaki.

Sa kasalukuyan ay may application na ako sa public school dito sa amin at naghihintay nalang ng result at dahil ayoko talaga ng walang papasok na pera pagkatapos ng last day namin sa school noong May 7, 2021 ay nagstart muna ako sa bagong trabaho ko na Virtual Assistant nung May 10, 2021, dati nadin naman akong VA at ito ang source of income ko nung college ako. Time is gold kaya habang naghihintay sa resulta ng application sa public school ay kailangan magtrabaho na agad ako dahil, kailangan.

Bagamat math major ako ay nabigyan din ako ng pagkakataon makapagturo ng Araling Panlipunan sa grade 10 kung saan contemporary issue ang sakop. Isa sa mga isyu na yan ay ang unemployment sa bansa. Sa totoo lang may isang section ako na sinabihan, lumang tugtugin na kako ang mag-aral upang magkaron ng magandang trabaho, nasa diskarte kasi ng tao ang kahihinatnat ng buhay nya. Nagkaroon ng pandemya at maraming tao ang nawalan ng trabaho at halos hindi na alam kung paano makakabangon, kaya kung mag-aaral tayo para maghanap ng trabaho baka magaya tayo sa marami na college graduate naman pero hirap makakuha ng trabaho dahil halos wala din oportunidad. Hinikayat ko ang mga 30 bata na mag-aral para magkaron ng skill o kakayahan, ang taong may skill ay may panlaban sa hamon ng buhay dahil meron syang alam at kakayahan sa isa o higit pang bagay. Mag-aral para maging negosyante, sa ganitong paraan ay sila mismo ang makakagawa ng mga trabaho na kailangan sa bansa. Kung employment ang target ng mga graduates natin, wala silang aasahan na ganun o maaring meron naman pero hindi ganun kadali, kaya para sakin kailangan dumiskarte ng tama sa buhay.

As for me, Teaching is lifetime naman, habang buhay pwede ako magturo at hindi ko pinagsisisihan ang kinuha ko. Nagmamasteral ako ngayon para mas mataas din ang laban natin sa larangan ng pagtuturo at alam kong advantage ko din ito para sa mas mataas na income potential, propesyunal ako ngayon pero hindi ko inaalis ang sarili ko na magexplore pa ng ibang money making activities, because we are entitled not just in one opportunity. Hindi lang isa ang kaya nating gawin, wag tayong matali sa employment. Unlimited ang opportunity kumita araw araw. Ikaw ano sa tingin mo?

Support me as i promote Chinkee Tan Webinar Kung saan tinuturo ni Chinkee kung paano kumita online at makalabas sa utang, bongga diba 🙂

🔥SHOPEE 6-6 MIDYEAR SALE
Bumabaha ng discounts at sulit offers

🔥₱200 Off at ₱800 Minimum Spend of P400 FOR NEW USERS ONLYUse CODE: MAYSHPIA >>>> Click here

🔥PHP200 off with min spend PHP800 FOR NEW USERS ONLY
Use CODE: SHPIA66SALE >>>> Click here

🔥Buy 2 Fit Me Liquid Foundation for P549>>>>> Click here
🔥Buy 2 Superstay Matte Ink for P449>>>> Click here

Free Shipping P0 min. Spend >>>> New Customer Code: MAYSHPIA Click here
📦📦📦📦📦📦📦
Daily P1 Deals >>>> New Customer Code: MAYSHPIA Click here
📦📦📦📦📦📦📦

3 thoughts on “Mag-aral ka Para sa Magandang Trabaho?

  1. Congratulations Sir YOSSEF JOHN,Very Proud ako sayo Sir,sa lahat napakabuti mo marami kang natutulungan sa mga mensahe mo tulad ko pinapalakas mo loob ko Sir maraming salamat nakita ko sa google itong mga post mo at nabasa ko.Sir puwede po kaya ako mag apply sa call center kahit hndi ako marunong sa computer may alam den nman ako sa english at nakakaintindi kya lng po hndi po ako marunong mag computer.oailangan na kailangan ko po kc ng work singleother po kc ako.Sir YOSSEF JOHN kailangan ko po ng advice nyo po please tulungan nyo po ako.thank you so much po Sir

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s