ENGLISH LANGUAGE TRAINING (ELT)

Ang ELT ang naging susi talaga kaya ko nagawang makapasok sa BPO. Libre ko itong nakuha sa TESDA KOR-PHIL Training Center. Ito ang regional training center ng TESDA sa Guiginto Bulacan. 100 hours ang kurso na ito na nakapokus sa communication skills enhancement training. Binubuo ito ng training sa pronunciation, grammar, liason, at intonation siyang component ng pagkakaroon ng neutral accent. Ibig sabihin, kapag natapos mo ang training at sineryoso mo talaga, mag iimprove talaga kung paano ka magsalita gamit ang english. Marami kasi ang sumasabak sa training na dala lang ng hype, yung tipong naririnig nila na marami nakakapasok sa BPO after the training, totoo yun sa mga taong matyaga! Hindi ito ang training na tuturuan kayo na parang lesson sa school na dapat naman talaga ay alam mo na dahil 10 taon ang basic education noon na ngayon ay 12 years na dahil may senior high school na, english ang isa sa mga general subject dyan. ENHANCEMENT lang ang gagawin. At may mga naencounter ako na trainees na nagsasabi kaagad di sila magaling sa english. Para sa akin maling attitude yun. Kaya ka nagtetraining ay para humusay. Ang buhay ay isang malaking pagsasanay! Limitado ang oras sa training kaya dapat ay ninanamnam mo bawat sandali na may natutunan ka.

Pagkatapos ng skills enhancement ay ang training naman sa interview, dito tuturuan ka kung paano ang tamang pagsagot sa mga tanong. Gamit ang mga natutunan mo sa skills enhancement. Sa mga naturuan ko din, pagbigkas palang ng pangalan nila alam kong lyamado na sa laban kahit kasabay pa ang mga college graduate.

Kung sa tingin mo ay ikaw yung tipo ng aplikante na nangangailangan ng training na ganito, malaya kang magtanong sa fb page ng TESDA ng pinakamalapit na training center na nagooffer ng ELT, Nag message lang din naman ako sa tesda noon at nagreply naman sila.

FB_IMG_1542376105965

Sila ang ilan sa mga nakasabayan ko sa training. Iba- iba sila ng kwento kung bakit sila nagtraining. Siguro out of 25 trainees mga nasa 4 lang ang nasa BPO ngayon.

Two weeks ako nag apply noon bago ako nahire. One week doon nakaranas ako ng 5 failures sa interview, doon 6th ang nakapasa na ako. One week naman sa pagaayos ng requirements. Sa 6th interview ko within 24 hours nahire na ako. Just to inspire everyone lalo na yung mga napapanghinaan na ng loob.

#labanlang!

10 thoughts on “ENGLISH LANGUAGE TRAINING (ELT)

  1. Maraming salamat po Sir YOSSEF JOHN,napakalaking tulong po itong mga messages po na nashare nyo po.Sir gusto ko pong mkapag trabaho po sa call center kya lng po hindi po ako marunong sa computer puwede po kaya ako makapagtrabaho sa call center sir kahit hindi po ako marunong sa computer?kc po single mother po ako kailangan na kailangan ko po ng trabaho para po sa mga anak ko.Sir please help me kailangan ko po ng advice mo

    Liked by 1 person

  2. gusto ko pong pumasok as call center agent ang inaalala ko lang po ay ang paggamit ng computer,paano po ba ito?marunong po akong magtype di gaanong mabilis marunong din po akong mag english di ko po sasabihin na fluent ako but nakaka intindi din po ako at nakakapagsalita nito,yan po lang paggamit ng mga key sa keyboard mga dapat kong malaman po kadalasang ginagamit sa call center agent kung matutulungan po nio ako ay sadyang napakalaking tulong nito po sa akin .dati po akong a.o administrative officer sa city hall sa lugar namin but i had my own secreatary sa office po ako lang po sa mga ideas at isusulat nya kaya hindi po ako masyadong aware sa paggamit ng computer.Can u pls help me po?thanks and more power po.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s