Article is being sponsored by: Jenever Quinicot of AFFORDABLE RENT TO OWN CONDO
Sa kasaysayan ng Pilipinas napakadaming tao na ayaw na magkaroon ng Martial Law dahil nadin umano sa mga paglabag sa karapatang pantao, at karahasan na nangyari nung unang ipinatupad ito ng dating pangulong Marcos. Hinati nito ang bansa dahil sa paglipas ng panahon nagkaroon ng dalawang bersyon ng katotohanan at parehong nagsasabi na nasa kanilang panig ang katotohanan.
Sinusulat ko ito dahil ito ang nakikita kong totoo sa kasalukuyan sa bansang Pilipinas at upang paglipas ng panahon ay hindi ito malimutan dahil ako mismo ay personal na saksi kung ano ba talaga ang nangyayari sa bansa.
Idineklara ng kasalukuyang Presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao nitong buwan ng Mayo 2017 at tatagal ito ng animnapung araw (60) ayon na din sa nakasaad sa saligang batas na hindi ito dapat lumampas ng 60 days.
Ano nga ba ang nagbunsod kay Duterte na ito ay gawin?
Nagkaroon ng operasyon ang AFP/PNP para tugisin ang rebelde na si Isnilon Hapilon na umano ay nasa Marawi City sa Mindanao.
Nasa bansang Russia ang Pangulong Duterte nung pumutok ang gulo dahil ang mga rebeldeng Maute Group ay sumuporta upang tulungan si Hapilon. Napilitang bumalik agad ng bansa ang Presidente dahil sa mga kaganapan sa Mindanao. May isang residente ang nag upload ng video sa You tube ng mga rebelde na nasa Marawi City, pawang mga naka itim na damit at tantya nya ay nasa 200 na katao ang pumasok sa Marawi at nagsimulang kontrolin ang lugar.
Maraming mga residente ang naipit sa bakbakan ng dalawang panig, mayroon din naman sadyang ayaw lisanin ang kani kanilang tahanan upang mapangalagaan ang kanilang mga ari-arian. Pinaniniwalaang si Hapilon ay konektado na sa grupong ISIS at ayon kay Duterte ay hindi siya mangingiming ideklara ng Martial Law sa buong Pilipinas kung makakarating na din ang ISIS sa Luzon. May mga nagsasabi na paraan lamang ito ni Duterte upang lubusang maipatupad ang Martial Law.
Sa kasalukuyan ayon sa mga report ng AFP/PNP ay nasa 90% na ang nababawi nila sa lungsod ng Marawi dahil sa mga Airstrikes and Ground Operation na kanilang ginawa. Pero ang masaklap na katotohanan ay marami tayong mga kababayan ang napilitang lumikas, may mga namatay sa hanay ng Sundalo at Pulis, ganun din sa hanay ng mga sibilyan at sa mga rebelde.
May mga nahuli din na rebelde at sasampahan ng kasong Rebellion.
Sa personal kong pananaw, kung ang pagdedeklara ng Martial Law ay upang maisecure ang mamamayan ng Marawi City ay pabor ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kaylangan gawin ng mga rebelde ang mga bagay na pwedeng malagay sa alanganin ang kanilang buhay gayundin ang buhay ng mga tao sa paligid nila. Ako’y umaasa na sa lalong madaling panahon ay maayos na ang krisis sa Marawi upang makapamuhay na ng normal ang ating mga kababayan.
So sad to see that Mindanao is still in the throws of conflict. We could not travel there to pick up our adopted son who was born in Mindanao Is. as it was considered too dangerous for foreigners to go there. I’m sorry I can’t read tagalog (is that what this is written in?) but I do very much appreciate your follow of my blog and wish you every success.
LikeLiked by 1 person
Hope all will be well for your son. somehow yes, its about the danger and destruction happened particularly in Marawi City. I pray that this will be resolved asap.
LikeLiked by 1 person
We travelled to Manilla over 23 years ago – it was volatile then 😦
LikeLiked by 1 person
God bless Mindanao…a brilliant post..
LikeLiked by 1 person
thank you 🙂
LikeLiked by 1 person
Sana po ay matapos na ang bakbakan sa Marawi… taga Mindanao ka ba sir? 😊
LikeLiked by 1 person
Ah hindi po. Taga Luzon po ako. Sana nga matapos na yung gulo
LikeLiked by 1 person
Ahh okay… marawi is just 45-min drive from my place … nalulungkot po kami sa mga nangyayari 😦
LikeLiked by 1 person
Yeah, diku nga maimagine napakahirap nun kung ako makakaranas nun. Kaisa ako sa nananalangin na matapos na ang gulo dun. Ang ganda po ng blog nyo. Very impressive.
LikeLiked by 1 person
Maraming salamat po talaga 😊
LikeLiked by 1 person
God bless Mindanao.
LikeLiked by 1 person