via Kapuso Mo, Jessica Soho: Help Hisham Go – YouTube
Bago natin makilala si Hisham Go ay dapat muna nating maalala ang nangyari sa dalawa niyang kapatid. Si Hisham ay bunso sa tatlong magkakapatid at lahat sila ay puro lalaki.
Ang panganay na anak ni Mrs. Lorelie Go, na si Rowden ay maaalalang naratay sa banig ng karamdaman dahil sa liver cancer. Madamdamin ang naging kasal ni Rowden na ginanap sa loob mismo ng ospital at mismong anak nya ang naging flower girl pa noon, subalit ilang oras matapos ang kasal ay pumanaw din.
Ang sumunod na kapatid na si Hasset ay dumanas din ng parehong karamdaman at gaya ng kanyang kuya ay pumanaw din sa edad na 29.
Nitong April 2017 ay nadiskubre na mayroon na ding liver cancer ang bunsong si Hisham. Sa kabila nito ay napakapositibo ng pananaw ni Hisham sa nangyari at buong tapang na hinaharap ang sitwasyon. P5 Million ang kailangan ni Hisham para masubukan ang alternatibong medisina sa China at P5 Million din para sa Liver Transplant. At dahil hindi biro ang halagang ito nagtulong tulong ang mga kaibigan niya upang makalikom ng pondo dahil naniniwala sila na sapat pa ang oras para makalikom ng halagang kailangan nila, Maaga din nadetect ang kay Hisham kaya mas mabibigyan siya ng oras para sa gamutan.
CANCER CAN’T SCARE ME, IF I SCARE IT FIRST
Ito ang sigaw ng T-Shirt na pwede mabili bilang bahagi ng fund raising para kay Hisham. At ito ay mabibili sa Moi Mentality Facebook Page
Narito rin ang mga Bank account nila para sa mga nais tumulong:
Account Name: Hisham Pangcoga
BPI Account: 2929053489
BDO Account: 007790036081
CITIBANK: 86111899735
GOFUNDME.COM/MOIMENTALITY
TEXT OR CALL: 09988589557
One Share can wipe liver cancer away.
Sa mga kapwa ko blogger, Let’s help Hisham by sharing this post.