Sa pagbabasa basa ko, napadpad ako sa page ni Atty Francesco C Britanico. Natuwa ako dahil yung page nya ay napaka informative. Madaming nakasulat na ibat-ibang legal process dun sa page nya gaya ng Legal Separation etc., pero mas nakuha ang attensyon ko sa Labor Laws. Siyempre palasak diyan ang Article 281 at Article 282 ng Labor Code of the Philippines.
Merun isinulat si Atty. Britanico ng mga paliwanag ukol sa
PROBATIONARY EMPLOYEES AND DUE PROCESS IN TERMINATION
Bilang isang empleyado, mahalagang malaman mo ang karapatan mo upang hindi ka naman maapi.
Tandaan din na hindi sa DOLE nagfifile ng complaint, ang tamang ahensya ng gobyerno na dumidinig sa mga reklamo ng ukol sa pageempleyo ay ang NLRC o National Labor Relations Commission. Mahalaga rin malaman kung saan ang tamang Jurisdiction o tamang venue ng paghahain ng reklamo, Halimbawa kung ikaw ay taga Bulacan, hindi ka dapat mgfile sa Quezon City.
Hindi naman agad nagiging kaso ang reklamo, kung maghahain ka ng complaint sa NLRC dahil sa tingin mo ay agrabyado ka sa kumpanya mo, siguraduhing wala kang pinipirmahan na kahit anong kasulatan na ang employment mo ay tinatapos na.
Ang NLRC ay magpapadala ng Notice sa kumpanya na ikaw ay nagrereklamo at magseset ng petsa na para sa Mediation. Ito naman ang proseso na kung saan ay susubukang isettle na lamang ang reklamo para hindi na maging kaso at makadagdag pa sa napakadaming kaso na nakahain. Maaring pabalikin ka sa trabaho o mag offer nalang ng bayad depende sa mapaguusapan.
Mayroon akong isang kaibigan na ginawa ito at hindi siya pumayag sa settlement kaya naging ganap na kaso na ang kanyang reklamo. Sa puntong ito kailangan ng ibayong tyaga upang umusad ang kaso dahil maraming delaying tactics ang kalaban.
Kung may mga bagay na gusto mong malinawan, makipag-ugnayan lang kay Atty. Britanico
Salamat sa oras, nawa nakatulong ang konting kaalaman na ito. Maari po kayong magcomment or ifollow nyo po ang blog ko para sa mga future articles.
Ang inyong lingkod,
YossefJohn
This article is very helpful and completely true.
LikeLike
Thank you Grace..Balato ha..joke
LikeLike